Ano Ba Tayo? Read Count : 16

Category : Poems

Sub Category : N/A
ANO BA TAYO?

Ilang buwan na tayong ganito
Nakakabahala, nakakalito
Yung parang tayo, pero di naman totoo
Yung ang sweet mo pero malabo

Ang sabi mo masaya ka pag kausap mo ko
At ganun din naman ako pagdating sayo
Pero sabi ko nga nakakalito
Nakakalito kasi di ko alam kung anong sagot sa tanong na to

Yung tanong na "Ano ba talaga tayo?"

Ano ba kasi tayo?
Sabi mo enjoyin lang natin kung anong meron tayo
Basta ang importante masaya tayong dalawa
Pero di ko alam kung dapat pa bang ipagpatuloy to
Walang tayo pero parang meron kung umasta

Naguguluhan na talaga ko ngayon
Di ko kasi alam kung ano ba ang ating sitwasyon
Iba yung saya ko kapag kausap ka
Pakiramdam ko ikaw din naman masaya

Gusto kong itanong kung ano ba talaga ko para sayo
Kaso nauunahan ako ng takot na baka masakatan lang ako sa isagot mo
Natatakot ako na baka ako lang pala may gusto na maging tayo
Ewan ko ba, pagdating kasi sayo biglang nagiging marupok ako

Siguro nga dapat ko lang ihanda ang sarili ko
Baka kasi ako na naman yung umiyak at iwan sa huli

Di ko alam kung sapat na ba to
Ang gusto ko lang naman sana eh yung klaro
Kung nasa pareho ba tayong pahina
Kung saan ang ikaw at ako ay posibleng maging tayo
O nandun ka lang sa pahina kung saan tayong dalawa ay hanggang dito nalang talaga


Comments

  • Must read! Please support ☺️♥️

    May 10, 2022

Log Out?

Are you sure you want to log out?