YES Or No Read Count : 128

Category : Poems

Sub Category : N/A
"YES or NO"
by donn G.
                 
  

Dalawang salitang mainit ngayon sa publiko.
Laman ng Social media maging sa peryodiko
Naging usap usapan maging sa bawat sulok o kanto.

Maraming tanong para saan nga ba ito? 
Ito ba ang sulosyon sa bawat pagbabago o maging dahilan ng hindi pagkakasundo.
Dapat ba talagang dumaan sa ganitong plebisito ang paghahati sa Probinsyang kinagisnan ko.

Bawat panig ay may kanya kanyang ipinaglalaban alin ba sa dalawa ang dapat pakinggan.
Ito nga ba talaga ay para sa bayan o di naman kayay pansariling initeres lamang.

Lumaki ako at nabuhay sa iisang Palawan at dito ko nasaksihan ang natatago nitong yaman at ganda ng kalikasan' subalit ngayon ay ano nga ba ang kahihinatnan kung magiging tatlo ang probinsa ng Palawan.

Kung pagpapaunlad lamang ang tanging kailangan sa isang Probinsyang dati nang mayaman'
sa aking pananaw ay di na kailangan upang humantong sa paghahatian.

Ikaw'Ako' tayong Palaweño ay dapat makialam sa ganitong isyu' dahil sa mga kamay mo at mga kamay ko nakasalalay ang totoong pagbabago.

Maging matalino sana tayo sa pag boto ngayong ika 13 ng Marso' Wag nating ilagay sa alanganin ang kapakanan ng bayan ko'.
Manindigan sa tama at patas na desisyon ng d pagsisihan kung ano man ang kahihinatnan.

Munti kung panawagan sa kinauukolan' idaan sana natin sa maayus na labanan, kung ano ang nararapat sya nating katigan nang maisagawa ng maayus itong halalan.

Comments

  • No Comments
Log Out?

Are you sure you want to log out?