'HINDI TAYO PWEDE' . Read Count : 11

Category : Poems

Sub Category : N/A
'HINDI TAYO PWEDE'

Sa mata ng madla, hindi tayo tugma,
Mahal kita ngunit mahal mo'y iba.
Masaya ka sa'kin ngunit ang kailangan mo'y siya.
Gusto mo ako pero hindi mo siya kayang mawala.

Pinagtagpo tayo, ngunit hindi para sa isa't isa,
Ikaw ay aking iniibig, pero siya ang iyong sinisinta.
Bakit sadyang kay lupit ng tadhana?
Pinaglalaruan ang ating nadarama.

Hindi tayo pwede, sapagkat hindi raw iisa
Parang tugtuging hindi makanta ng tama,
Isang musikang sintunado,
Hindi tugma ang liriko at ang tono.

Tadhana nati'y aking iginuguhit
Ngunit iba ang ikinukulay mong pilit.
Paano magtatagpo?
Kung magkaiba ang nais ng ating mga puso.

Hindi man pwede sa mata ng iba,
Umaasa akong aayon din sa'tin ang tadhana.
Sabay tayong sasayaw sa saliw ng musika,
Magkasamang ngingiti at bubuo ng masayang obra.

Comments

  • I love the poem,its in Filipino๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ

    Oct 15, 2020

Log Out?

Are you sure you want to log out?