The Gentleman's Maid Read Count : 97

Category : Books-Fiction

Sub Category : YoungAdult
PROLOGUE


Ang tunay na lalake daw ay...

~Dapat marunong gumalang sa babae,

~Dapat hindi malupit at mabait sa mga babae,

~Dapat marunong umunawa at magpakumbaba sa lahat ng babae,

At higit daw sa lahat...

~Dapat maging GENTLEMAN?!!!

KALOKOHAN!!!

Sinong lalake ang hindi marunong ng lahat ng yan?! 

Ako?

Aba! Marunong ako ng lahat ng yan, pero ang maging Gentleman?? 

ISANG MALAKING KALOKOHAN! 

Wala ako sa loob ng isang fairytale na libro at wala akong balak lokohin ang mundo sa kawirduhan ng mga malapantasyang mga kwento na yan! 

May sarili akong istilo, may sarili akong prinsipyo at higit sa lahat...

ANG GWAPO KO!!! 

At ang pagiging gwapo ko ay para lamang sa nag iisang prinsesa sa buhay ko.

Kung sana lang ay alam niya na nag-eexist din ako... Hays! Pero ganun pa man...

Gwapo pa din ako! 

Gentleman? Maginoo? Ang boring no'n pre!

Wala pa rin mas sasaya sa pagiging kilalang badboy sa campus. Ako ata ang pinaka-cool sa school namin at ako ang pinaka-kinatatakutan ng lahat. Ang saya diba?!

Yan ang mundo ko at hinding hindi na mababago yon. Wala!

Walang makakabago no'n! 


Comments

  • No Comments
Log Out?

Are you sure you want to log out?