ABAKADA Read Count : 12

Category : Poems

Sub Category : N/A
Bawat isa sa atin ay nakaranas na nito.
Itong ABAKADA na dati'y inaayaw ng karamihan.
Nang dahil ba sa paulit-ulit na pagbigkas ng bawat letra,
O di kaya'y sa pag aaral kung paano itong makakabisado.

Nais ko sanang ibahagi,
Ang di mang kahabaang tula.
Sana ay mabasa,
Kahit di man kagandahan.

ABAKADA.

A- ABAKADA ang nagbibigay ng gabay,
Sa ating mga kabataan.
Kapag tamad kang pag-aralin ito,
Palo ng Ina ang kapalit nito.
Sa ating paaralan, ito ay mahalaga
Pagka ang bawat bata ay kinakailangan magtuto,
Alpabetong Pilipino dapat isapuso,
Upang sa susunod na henerasyon madadala parin ito.

Ba- "Bakit kailangan pang matutunan 'to?
Kung pwede namang lipasan at hayaan sa kwarto"
Alam nating mahirap pero kinakailangan,
Para din naman sayo at sa iyong kinabukasan.
Bawat isa sa atin ay may pait na dinaraanan,
Sa pag-aaral ng ABAKADA, mga hinanakit ang nadama.
Matuto kang tumiis at magtimpi,
Dahil ikaw at ikaw din ang tatayo bilang tagaturo ng lipi.

Ka- Kaunlaran ng ating bansa ang dapat unahin,
'wag ang mga gawain dayuhang na nakabalot sa atin.
Ating panindigan ang pagiging Pilipino,
At nang ipamalaki ang sariling Alpabeto.

Da- Dahil sa ABAKADA ako ay tumatalino,
Maraming salamat dahil ikaw ay naparito.
Nang dahil sayo, nakilala ako dito,
At binansagang bagong Pilipino ng Tondo.

Comments

  • No Comments
Log Out?

Are you sure you want to log out?