I WAS TEMPTED BY THE COFFEE Read Count : 10

Category : Stories

Sub Category : Comedy
Hayyyy salamat! Freetime ko na bukas.! Ano kayang magandang gawin? napakamot ulo kong tanong sa aking sarili, nagulat na lamang ako nang biglang may umakbay sa aking kanang balikat, ka officemate ko lang pala. si John.
Tamang tama din na break time na namin ngayon. Kaya we are free kung ano ang gagawin namin ngayon. Plano ko sanang umuwi sa amin kaso niyaya ako ni John.

"Tara pre, kape tayo sagot ko na."
"Sige ba! san tayo magkakape?"
"Sa Starbucks" Confident na sagot sa akin ni John.

Mga ilang minuto na lamang ay nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa aming pupuntahan nang biglang may pumasok sa aking isip. Ayyysst. Oo nga pala.

"Uhmmm... pre! nakalimutan ko palang sabihin sayo na bawal pala ako sa Kape. hehe baka magka UTI pa ako, mahirap na."

"Ayy hala, eh malapit na tayo sa Starbucks ah, sayang. Malinamnam at imported pa naman ang mga kape doon."

Biglang na alarma ang aking sikmura nang marinig ko ang mga sinasabi ni John. Wala na akong magagawa kundi pumayag nalang. Hayysst nagpapadala na naman ako sa temptasyon -,-

*Starbucks*

Nandito na kami sa loob ng Starbucks. Dumiretso kaagad si John papunta sa Counter para makapag order habang ako naman ay tahimik na umuupo.

[Krrrrriiinggggg!!! kringggg!!! Kringggg!!]

Tunog ata ng selpon ko to ah? AYY SUSME! yung asawa ko tumatawag!

Inayos ko muna ang aking sarili bago ko sagutin ang tawag ng aking Misis.

"He-Hello Love..! Ohh napatawag ka ata?"
"Alas-sais na ng Gabi at di ka pa umuuwi? aba... nasan ka ngayon? pupuntahan na kita."
"Nandito ako sa opisina namin... uhmmm may ginagawa pa ako ngayon! cge tawag ka nalang ulit BYE!"

Pinatay ko kaagad ang phone, baka kase mahalata nyang wala ako sa opisina ngayon. Taena kakatakot talaga ng asawa ko, parang Asong Tigre. ghaad..!

"Uy pre."

Bigla akong pumukaw nang dumating na si John dala yung mga Kape namin.
Nakakainlab yung Amoy ng kape, parang iba siya sa lahat. Babalik balikan ko ito palagi mweheheheh.
Dahan-dahan kong binuksan ang Cover at hinipan muna bago ininom.
Lasang lasa ko ang malinamnam na kape na may halong gatas. Mapapatirik nalang ang iyong mga mata sa sobrang Sarap.

Maya-maya na lamang ay biglang may humampas sa likuran ko. POTAAAAA!!!
Asawa ko pala yun.

"Walangya ka Victor! pinagpalet mo na ako sa Kapeng yan! ayoko na sayo! Maghiwalay na tayo!!!!"

"Weytt love! let me explain!"

Yung mga tao sa paligid namin ay nagulat at nanlaki ang kanilang mga mata.
Yung iba nagulat sa kanilang nakita.

"HAYYYYSSST OO NA! ASAWA KO YUNG TSAANG NAKIKITA NYO NGAYON!"

Comments

  • No Comments
Log Out?

Are you sure you want to log out?