MAARI'NG MANLIGAW? Read Count : 6

Category : Poems

Sub Category : N/A
i. 'Pag ba aaminin ko sayo na gustong gusto kita,
Paniniwalaan mo pa ba ako?
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito,
Ngunit pangalan mo ang tanging sigaw ng damdamin ko.

ii. Sa dinami-rami ng tao sa mundo,
Marahil na ikaw ang tibok ng puso ko.
Bakit ganto ang nararamdaman ko sayo,
Sa t'wing ikaw ang kasama ko.

iii. Tsokolate at rosas? ako'y walang wala,
Tanging alay ko sayo ang Isang daan at isang tula,
Lahat ng iyan ay nakatala,
Para sayo nang ikaw ay maniwala.

iv. Rosas na mapula,
Lila na asul,
Isang katagang nais ko ibanggit,
At 'yun ay mahal kita.

Comments

  • No Comments
Log Out?

Are you sure you want to log out?