HINDI TAYO PWEDE Read Count : 10

Category : Books-Fiction

Sub Category : Comedy
"Ma! pupunta na po ako ng church!" sigaw ko kay mama dahil nagmamadali akong makita si Zavier, yung bang crush kong Sakristan at alagad ni Padre Damaso. Sheet i can't wait to see you again my love!!

"Anong masamang espirito ang sumanib sayo at bigla kang nasiyahang pumunta ng simbahan?" nagtatakang tanong ni Mudra.

"Eh ano nga Ma, you know 1st sunday na kaya ngayon and yahh mas Importante kayang umattend sa church dahil bini bless ka lalo ni Lord." masaya kong sambit sa kanya with a sweet smile.

"Wehh maniwala na sana yung aso sayo. Baka iba yung intensyon mo sa simbahan ha. Baka may boyfriend ka dun o di kaya may pagnanasa ka sa isang tisoy na Sakristan doon."

Omayghad bat nalaman ni mudra huhuhu lagorts

"Mama naman syempre mas uunahin ko yung pag worship kay God, pero tinitingala ko parin ang mala-anghel na mukha ni Zavier," Bulong ko sarili ko.

"Ehh? anong sabi mo?"

"Ahh wala sabi ko I'm so hot. Sige na Mama ma le-late na ako sa church!!"

"Oh siya sige ingat ka, pero mas lalong mag iingat sayo yung tisoy na Sakristan", uyam na biro ni Mudra.

Grrr si mama talaga ket kailan nakiki teenager din.

(Nasa Simbahan)

Tamang-tama lang ang pagdating ko at saka naman nagsimula ang misa.

"Halle-Hallelujah!" lahat ng tao ay nagsi awitan.

Napapikit nalang ako dahil sa ganda ng tunog ng musika. Yung feeling na parang mapupunta ka sa langit like heaven~

Lalo kong nilakasan ang boses ko para damang-dama

"Halle-Hallelujah!!" oh yes very good Aeris todo na to!

'Di ko namamalayan ay napatingin nalang sa akin ang mga tao sa paligid ko. Omayghad Aeris nakokohoyo kaaa.

Dahil sa nangyari ay binigyan ko nalang sila ng sign of peace. Oh yeah.

"Peace be with you kapatid", napalingon na lamang ako sa aking likuran nang biglang may humirit na boses. Alam kong lalaki yun dahil sa kalaliman ng kanyang tono. Nagulat na lamang ako dahil nasa likod ko pala si Hubby este si Zavier na super crush ko. Ow em jiii

"Nasa langit na ba ako? Bakit salubong ko na ang anghel ni Lord?"

"Kapatid, nandito ka parin sa Simbahan. Nandito ako para pagsabihan ka na pakihinaan ang iyong boses kung maaari." seryosong tugon nito at sabay bigay sakin ng peace sign.

Ka-kapatid??! Huhuhu gais, Kapatid zone lang ako ni Kwass :<

Ilang oras nalang ay matatapos na ang pagmisa ni Father.
Agad namang lumakad sa harapan ang mga Sakristan at natyempohan kong nasa dulo si Zavier.

Pagkakataon ko na to para aminin sa kanya. Myghad aym so eksayted~

Lumapit na akong tuluyan sa kanya at naglakas-loob akong harapin ang kaba ko. Kaya mo to Aeris. You are beautifully with a Heart. Ohh ansabe!

"Uhmmm Zavier, i have something to tell you. Kase ano--" di ko pa natapos ang aking sasabihin nang bigla siya nagsalita.

"Na may crush ka sa akin? Oo alam ko na yun matagal na. Actually napahalata na kase eh HAHAHA sorry to spoil pero ayos lang" At nagbigay ng matamis na ngiti sa akin.

"So ibig sabihin ba nun ay eherm alam mo na yun ehe." nahihiya kong sabi sa kanya.

"Yung ano? sabihin mo na",

"Na may chance pa ba na maging TAYO?"

Bilib na talaga ako sayo Aeris. #cOnFiDeNt

"Sorry Aeris pero alam mo naman diba?"

"Na bawal magkajowa ang mga Sakristan?"

"No, na may Bf na ako. Actually monthsary na namin ngayon. Sorry talaga Aeris." 

Di nagtagal ay may dumating na namang isang Sakristan sa harapan ko. At siyang bigla kong pagkagulat nang nagsimula silang mag kiss... sa Lips??

"Btw Aeris, i want you to meet my boyfriend, Matt,"

Sakristan to Sakristan? sword to sword?? Sarawat at Tine? CRUSH GWAPO MO SANA KASO BARBIE KA PALAAAA

"Hi Aeris!" masayang pagbati sakin ni Matt.

At doon na ako nag collapse at Nahimatay sa aking nasaksihan.

-END-

Comments

  • No Comments
Log Out?

Are you sure you want to log out?