Ay Barbie! Read Count : 14

Category : Poems

Sub Category : N/A

Dala ng pisikal mong anyo't kakisigan ay nakakubli ang tunay mong katauhan.
Adan man ang iyong pisikal alam kong ang nais mo ay isa ring Adan.
Kahit dinaig mo pa ang mga Eba sa iyong kilos at pagpilantik ng mga daliri't kamay.
Ikaw ay isa pa ring Adan ngunit Hindi nga lang tunay.

Ang  mga tulad mo at tulad nyo ang siya kong pinanghihinayangan.
Bakit? Bakit pa kasi kayo nagkaganyan?
Maaari bang maging isa na lamang ulit kayong Adan?
Para hindi na nanghihinayang ang ibang mga kababaihan.

Ikaw! Ikaw na Eba'ng hilaw hindi sa ika'y aking hinuhusgahan.
Sa katunayan nga'y akin pang pinagpapantasyahan.
Pero kasi naman, talagang ako'y napapaisip at nanghihinayang.
Sa katauhang nariyan sa iyong katawan.
Pwede bang alisin mo na lang?

Kahit dinaig pa ang isang kalahok sa Binibining Pangkalawakan.
Ay doon makikita na ikaw nga ay masaya sa iyong piniling kasarian.
Marami mang mapanghusga dito sa mundong ibabaw.
Hindi ka nagpapatalo sa anumang husga at patuloy kang nangingibabaw.

Gayunman aking ginagalang ang iyong katauhan.
Kasi naman dyan ko nakikita ang tunay mong kasiyahan
Gayunman mananatili ka parin sa aking listahan
At hinding hindi kita tatantanan.

I don't think a right words haha😅



Comments

  • No Comments
Log Out?

Are you sure you want to log out?