Si Hesu Kristo Ang Rason Read Count : 8

Category : Poems

Sub Category : N/A
Eto ang aking tula,tula para sa mga taong walang paniniwala...Gusto ko lang ipakilala sa inyo.

Si Hesu Kristo,ang taga-pagligtas ng bawat tao.
Kaya kung ako sa inyo,tara na't magsimba,at manampalataya.

Sa una napaka-walang kwenta ang pagsimba pero pangako,sasaya ka dito kahit anong pagkatao mo pa.

Mahirap paniwalaan ang sinasabi ko,pero maiintindihan mo rin ito.Kapag may problema ka,hindi lang tao o si Tulfo ang dapat puntahan,meron ding Diyos na makapangyarihan.

Kung kayo ay may Principal,kami ay may Pagdarasal....Pagdarasal na kaylan ma'y di mahihigitan ng mga salitang di maganda sa mga pagaaway.

Di man natin nakikita ang Diyos,pinaparamdam naman nya sa araw araw na biyaya'ng kanyang binibigay.

Minsan napapaisip ako,na sobra sobra na ang regalo sa akin ni Hesus.Kahit na ako ay makasalanan

May tatlong salita ang Diyos sa iyong panalangin,una "Yes" pangalawa "No" at pangatlo "Wait".

Sobrang saya ko kapag nakaka-tanggap ako ng Yes,pero hindi laging yes.At wag na wag kang malulungkot kung ang sagot sayo ni Hesus ay No,dahil may rason kung bakit ka nya sinabihan nito.

Pedeng ang rason nito ay magdudulot sayo ng sakit na maitatanim na sa iyong buhay,o rason na magdadala sayo sa kabilang buhay.

Masaya din kapag ang sagot sayo ni Hesus ay Wait,ngunit nakakalungkot din dahil kaylangan mong hintayin ang right date.

Isa lamang ang Diyos ngunit kaya nya makita ang bawat tao,kaya't kahit magsinungaling ka ay alam nya na ikaw ay may itinatago.

Pero mga minamahal,wag kang matakot,dahil hindi ka naman nya sasaktan,ngunit ikaw ay kanya pang pagbibigyan.

Ngayon ay alam mo na,ang rason kung bakit kaylangan ng magsimba.Hindi pa yan ang lahat,kaya tara na at ipuri ang ating agimat.

At kung hindi mo alam kung saan magsimba,magtanong ka lang,sa isang kristyano mong kaibigan.At matutuklasan mo na ang magandang kabuhayan.

Comments

  • No Comments
Log Out?

Are you sure you want to log out?