OFW Read Count : 21

Category : Blogs

Sub Category : Travel
Para sa ating mga kababayan na nagbabalak magtrabaho sa ibang bansa at lalo na sa mga first timer,dapat po buo ang inyong loob at pag isipan mabuti hindi lamang isang beses kundi sampung bases itanong sa sarili kung handa ka naba makapag sapalaran sa ibang bansa?Sa pursigidong magtrabaho abroad dapat maging handa tau sa pupuntahan nating lugar,alamin ang kanilang kultura,relihiyon,at kung ano ang dapat at di dapat gawin sa bansang nais mo puntahan.Marami sa ating mga ofw lalo na kapag domestic helper ang hindi pa nakakaalam lalo na sa mga baguhan na ang trabaho ng isang katulong ay hindi madali...oo sabihin nating marunong ka sa trabahong bahay pero iba po ang trabaho natin sa sarili nating tahanan kumpara sa bahay ng magiging amo natin kaya dapat handa po tau.
Maging matalino po tau sa lahat ng bagay para dipo tau maloko,unahin po natin sa agency...check nio kung ang agency na pupuntahan nio ay accredited ng POEA kasi bakit?maraming agency ngaun ang nag ooperate ng walang license at kapag di lisensyado ang inyong agency delikado po,buhay nio ang nakasalalay dito kaya mag ingat po tau.Hindi masama ang mangarap lalo na kung para sa ating anak at pamilya,para mabigyan sila ng magandang buhay at maiahon sila sa kahirapan,ngunit sadyang hindi natin maiwasan ang mag alala lalo na sa ating kaligtasan....kaya payo ko lng po sa ating kababayan na lahat po posible as taong may pangarap sa buhay at huwag natin kalimutan na sa bawat pangarap na ating gustong magamit ay Samahan ng dasal,lagi natin tandaan na Diyos lamang ang pwede nating makapitan.

Comments

  • No Comments
Log Out?

Are you sure you want to log out?