Time Stop...
Read Count : 91
Category : Books-Fiction
Sub Category : YoungAdult
Tumigil ang mundo, ikay nagiisa..
nakahiga sa kama, bakit at pano ka nagtapos sa ganto na lang...
ganto na lang na dati rati ay ikaw mismo ang umiikot at nagpapagalaw ng sarili mong mundo...oo na,, nagawa mo na ang lahat..mga bagay na akala mo ay duon at roon ka patutungo..sa gusto mong mangyare.. Hindi mo alam na ang mundo at oras na hawak mo ay patuloy sa pagikot at sa pagpatak ng ito at sa bawat tunog at himig ng mundo mo, bigla na lang naisip mo na "bat ka nga ba humantong sa kung ano ka sa ngayon" oo nga hindi mo man pagsisihan ang lahat nangyare na ang mga bagay na nangyare na at nahatulan na ang sarili mong kwento..
napabuntong hininga ka, at rinig na rinig mo ang bawat pagpatak ng ulan sa inyong bubungan... "oo nga pala, walang dapat sisihin kundi sarili ko, sarili ko na akala koy tama lahat ng aking ginagawa at mga nagawa noon".. napapikit ang mga mata mo at bigla sumagi na lang sa utak mo na, "kaya ko pa ba ito?" - "paano kung dumating na ang oras na bigla na lang hihinto ang sarili kong oras".. sa bawat paghinga mo, ramdam mo ang bawat hinaing ng katotohanang "teka, mag isa lang pala ako".. habang nakatingin sa kalawakan patungo sa kawalan.
malawak ang kalawakan na kung saan, malayo pa ang iyong lalakbayin.. malawak ang kalawakan na marami at marami ka pang kakaharaping pagsubok. Pagsubok nga ba ito o isang hatol na sa kung ano ang ginawa ko noong kabataan ko... hanggang kelan ka mananatiling malakas.. hanggang kelan ka magiging inspirasyon sa mata ng ibang tao..kapag ba... lahat ng mga kaibigan mo ay tuluyan ka ng layuan?.. sanay ka naman mag isa, oo alam ko.. mag isa ka na nagbabasa at binabasa ang mga katagang aking nilikha..
tawagin niyo na lang ako bilang ako.. at kung ano ang pagkakakilala niyo saken. kasi sa totoo lang hindi ko na kilala ang sarili ko na habang nakatingin sa salamin isang buntong hininga ang maririnig na, laban lang.. laban lang sa hamon ng buhay.. dahil tumigil man ang mundo at tumigil man ang sarili mong orasan, hindi ka iiwan ng sarili mong anino sa isang maliwanag na landas na ngayon ay iyong kinakaharap. laban lang. maaring ikaw mismo ang tumigil ng oras mo, pero isipin mo na lang ang mga taong nagmamahal sayo... pamilya mo.. kaibigan mo.. at pag swerte ka ang minamahal mo.
kaya mo yan ituloy mo lang ang ikot ng pagikot ng yong orasan, dahil darating ang panahon. makakabangon ka sayong pagkakadapa.... walang ibang tutulong sa sarili mo, kundi ikaw at sarili mo.
-----------------------Chapter 1-----------------------------
Comments
- No Comments