Akin Ka Pa Rin Read Count : 104

Category : Stories

Sub Category : Romance
'Panginoon, salamat po.' 

Mga salitang narinig ko bago ko imulat ang mga mata ko pagkatapos ng taimtim kong panalangin. Pagtingin ko sa katabi ko, nakangiti sa akin ang isang makosig na lalaki.  Napaisip ako, bakit napakatamis ng mga ngiting iyon at para ba talaga ito sa akin. 

'Liezel, ako to. Si Robert.'

'Robert, Obet?' sagot ko. 'Obet Salazar?'. Puro patanong ang sabi ko kasi hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon. Ang lalaking minsan nagpasaya sa puso ko. At siya ring nagpalungkot.... Ng sobra... Sobra, sobra.

Bumalik bigla ang mga alaala ng minsan naging malaki siyang parte sa puso ko. 

Magkaklase kami sa high schoo. Naging malapit na magkaibigan at nagkaroon siya ng puwang sa puso ko. Madalas may baon ako na para sa dalawa kasi nga para sa kanya ang isa kung sakaling humingi siya. Ayokong natatanggihan ko siya. 

Sikat siya sa school kasi bukod sa gwapo siya, magaling pa siyang magbasketball. Tipikal na heartthrob. 

Isa na ko sa mga naloko sa kanya. Pero syempre di ko iyon pinahalata sa kanya. Di nya naramdaman lahit minsan na gusto ko siya at ayokong iparamdam lasi ayokong masaktan. 

Iba't ibang babae ang nagiging girlfriend nya. Halos monthly nagpapalit siya. At lagi nyang sinasabi sakin at humihingi ng opinyon if okay ba ang babaeng iyon. Masakit oo. Pero martir lang ang peg ko. Basta masaya siya sapat na. 

Isang araw nagkayayaan kami ng mga kaibigan ko. At bilang mga kabataan, tinry namin ang alak. Parang ang sarap ng alak ng mga panahong iyon kasi parang ang sakit sakit na. 

Nagkalasingan kami ng iba kong mga kaibigan ko. Hatinggabi na ng may kumatok at lumantad siya sa pintuan. Biglang lumukso ang puso ko. Sa sobrang kalasingan, tinanong ko siya 'bakit ka nandito?' Ngumiti lang siya. 'Bakit k nga nandito? Bakit ka nandito alam mong nasasaktan ako.' Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko pero pinili nyang di kumibo. 'Bakit lagi mokong sinasaktan. Bakit? Kasi alam mong mahal kita. Kasi alam mong ikaw lang ang lalaking minahal ko mula noong first year tayo hanggang ngayon? Bakit mo ko sinasaktan ng sobra. Bakit mas pinipili mo sila? Bakit hindi ako? Bakit sila?' Bigla sumagot siya. 'Tara na, iuuwi na kita sinundo lang talaga kita at baka di ka makauwi ng maayos.'

Biglang parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Naisip ko bakit ko ba sinabi iyon. Hiyang hiya ako sa ibang mga kaibigan ko. At lalong hiyang hiya ako sa kanya. Di ako makatingin mg tuwid sa kanya hanggang sa makauwi ako. Tuluy tuloy akong pumasok sa loob at doon walang tigil akong umiyak. Sabi ko huling iyak ko na iyon ng dahil sa kanya. 

'Hey.'  sabi niya. Biglang bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan. 

Ngumiti ako pero alam ko sa sarili kong mahal ko pa rin siya after 12 years. After 12 years na pinilit ko sa mga magulang ko na sa Manila ako mag aral. Ni halos di ako umuwi sa Isabela para lamg maiwasan ang hiya sa ginawa at sinabi ko sa kanya. 

'Kamusta? sabi ko. 'Eto, ok naman. Hinihintay ka pa rin' ang sabi niya. Napatuwid ang upo ko at napatingin sa kanya. Naghihintay ako sa sasabihin pa niya. 'Ako pa rin ba? Akin ka pa rin ba? Bakit lumayo ka? Alam mo bang lahat ng babaeng nakarelasyon ko pinagseselos lang kita? Bakit ka umalis noong ready na kong magtapat sayo? Natakot ako noon kasi alam kong kaibigan lang tingin mo sa kin. Bakit di mo hinayaang mahalin kita? Bakit umalis ka?' ang mahabang sabi at tanong niya.  Luha lang ang sagot ko. Hindi ko maidetalye ang sayang nararamdaman ko. 

Huling tanong niya, ' Ako pa rin ba? Akin pa rin ba ang puso mo?

Habang puno ng luha mga mata ko, tango lang nasabi ko.

Niyakap niya ko ng mahigpit at ang munting namutawi sa bibig niya, 'Salamat Panginoon at binalik mo siya sakin.'

Alam kong simula ngayon, magiging makulay na ang paligid ko. This is the start of my love story. Love story ko naman ngayon. Akin pa rin pala ang puso niya. 

Comments

  • No Comments
Log Out?

Are you sure you want to log out?