
PARALLEL COLLIDES
Read Count : 147
Category : Books-Fiction
Sub Category : Fantasy
08/06/17 (01) "Tay Helric! Pengeng pera! Papasok na ako sa iskwela." "Buksan mo yung drawer, sakto yung pera dyan pambaon mo sa loob ng tatlong araw". "Aalis ka nanaman ba? Baka matulad ka kay mama at papa huh hindi na bumalik hahaha!" "Sira ulong bata talaga ito ohh bakit natatakot ka ha? Woooh kalalakeng tao na katorse anyos duwag mapag-isa!! Hahaha. Wag ka pong mag-alala Aizel. Uuwi ako. Kaya nga ako aalis di'ba para hanapin ang mga magulang mo. Kung yang kaduwagan na yan ay dulot ng--" "Dagdagan mo naman tong pera! Baka ito kulangin sa dami ng projects ko." "Sabi na. Ohh ayan. Itong necklace ng tatay mo isanla mo muna kung kailangan." Sabay abot ni tatay Helric ng alahas na hugis krus sa aking palad. "Te-teka, may halaga ba ito sa sanglaan?'" "Di ko alam. Pero sobrang halaga niyan sa tatay mo, worth million of lives siguro. Sige mauna na akong umalis sa'yo hahaha!" Sabay Takbo ni tatay Helric palabas ng pinto. Sinundan ko siya ng tingin sa labas ngunit wala na siya. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni tatay Helric patungkol saking mga magulang. Magulo, abnormal. Parang estado ng pamilyang ito. Mag-isa muli ako ngayon, at hindi na yun bago. Hindi muna ako papasok. Dito lang muna ako sa bahay ngayong araw. Manonood ng T.V. hanggang sa makatulog. ****** Nagising ako sa tindi ng sakit sa tyan. Basa ang aking damit, puno ng dugo. Paglinga ko sa paligid saka ko palang napagtanto na sinasaksak na pala ako ng isang hindi ko alam kungsino. Bumulagta ako sa sahig habang patuloy niya akong sinasaksak ng mahabang kitchen knife. Hindi nako nakapanlaban pa dami ng tinamo kong tama sa iba't-ibang parte ng katawan. Isang saksak saking dibdib ang pagpakuntento sa lalaki upang ako'y tigilan na. "Hinalughog ko na lahat B2, kaso wala talaga akong makita na pwedeng nating partihan." "Itong T.V.?" "Tangina hunchback na de pihit yan sino pang magkakainteres dyan?" "Itong cellphone ng bata, B1? Pwede na to!" "Alam mo B2 manutok nalang tayo sa may underpass mas may halaga pa makukuha nating cellphone dun. Wag mo na yan pagka-interesan." "Itong pera ng bata B1, tatlong daan din ito." "B2 bitawan mo nga yan! Basa na ng dugo dudugasin mo pa? Wala ng halaga yan tara na." "E tangina pala eh para saan pala pagpunta natin dito B1?" Kahit nasa dingit na ako ng kamatayan, hindi napigilang matawa sa nangyari sa dalawa. Kay malas nila, wala silang nakuha kung hindi buhay ko lang, wala ng iba. Sabagay kung ganitong lagi din naman akong mag-isa, malungkot, parang patay din ang aking pakiramdam sa araw-araw, pati itong buhay na kanilang ninakaw ay masasabi kong wala ding halaga. Sa huli, wala silang napala. Dismayado ang dalawang umalis. Habang ako... naiwaan doong pasinghap-singhap, patuloy ang agos ng dugo sa sahig, naghihintay na malagutan ng hininga. ***** "AIZEL." "Ito ang itinakda mong kapalaran." "Ompisa pa lang." "Ang simula ay ang kamatayan, ang sumunod ay buhay na walang hanggan." "Bunga ng dilim at liwanag." "Ako ay ikaw." ***** Nagising ako sa panaginip. Nakatulog pala ako sa kwarto, wala sa aking isip. Dali-dali akong tumakbo sa may lababo at naghilamos. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Doon ko napansin na puno ng natuyong dugo ang aking damit, tadtad ng butas, na parang sinaksak. Dali-dali kong binuksan ang ilaw at pinagmasdan ang kapaligiran; tumambad sa aking mga mata ang nagkalat at nakatimbuwang na kagamitan; animoy ang bahay kong kinalalagyan ay sinugod at ninakawan. "Ano--anong ibig sabihin nito?" Tanong saking sarili na biglang napuno ng pagtataka at takot. Agad kong tinawagan sa phone si tatay Helric, ngunit hindi siya sumasagot. T.B.C.