Talata Read Count : 73

Category : Poems

Sub Category : N/A
Ngiti 
Isang katangiang nagkukubli
Sa isang taong puno ng pighati
Buhay na puno ng hikbi.

Luha
Kusang lumalabas sa damdaming nangugulila
Sa taong pinipilit na maging masaya
Kahit na sa kabila ng hirap na tinatamasa.

Ala-ala
Mga pangyayaring ayaw mawala
Sa pusot isip ng taong minsan naging masaya
Mga pagkakataong pansamantala.

Buhay
Isang regalong dapat ay makulay
Ngunit dahil sa mga bagay bagay
Unti unti itong nawawalan ng saysay.


Ikaw at Ako
Tayong lahat sa iisang mundo
Anumang pagsubok ang ibato
Sanay matuto parin tayong magpakatotoo.

Mahirap maging isang tao
Pero mas mahirap magpakatao
Ika nga ng isang kasabihang pantao
Kasabihan na dapat isapuso

Ang bawat ngiti, 
Pilit man o hindi, sanay manatili
Ang bawat luhang tutulo
Sa bawat sakit, sanay unti unti nading maglaho

Ang buhay na ating hiram nga
Sanay mabigyan ng mas malalim na halaga
At ang mga ala alang ating naipon
Manatili sa pusot isipan dumaan man ang panahon. 

Comments

  • No Comments
Log Out?

Are you sure you want to log out?